Impormasyon tungkol sa center
Ang center ng mga Dayuhang Residente ng Lungsod ng Anseong
Ang Center ng mga Dayuhang Residente ng Lungsod ng Anseong ay isang espesyalistang institusyon na nagbibigay ng iba’t ibang serbisyong panlipunan at suporta na kinakailangan ng mga migranteng naninirahan sa lugar ng Anseong. Layunin ng center na itaguyod ang karapatang pantao ng mga migranteng residente at magsikap na bumuo ng isang komunidad kung saan ang pagkakaiba sa kulay ng balat at kultura ay hindi nagiging dahilan ng diskriminasyon. Gagawin namin ang aming makakaya upang ang Lungsod ng Anseong ay maging isang lugar kung saan ang mga lokal na residente at mga taong may iba’t ibang kulturang pinagmulan ay maaring mamuhay ng magkakasama at mapayapa.
Mga direksyon ng mga programa ng mga Dayuhang Residente ng Lungsod ng Anseong
- Pagsuporta sa mga migranteng residente upang makaangkop sa lokal na komunidad at magkaroon ng matatag na pamumuhay sa Korea.
- Pagtulong sa paglutas ng mga problemang nararanasan habang namumuhay sa Korea at pagsuporta sa kanilang mga karapatan.
- Pagsuporta sa maayos na paglaki at emosyonal na kalagayan ng mga bata at kabataang may migranteng pinagmulan.
- Paglikha ng mga pagkakataon para sa pakikipag-ugnayan at palitan ng kultura sa pagitan ng mga Koreanong residente at mga dayuhang residente, upang makatulong sa panlipunang integrasyon ng mga migrante.
Gabay sa Pagpaparehistro
Ang mga Dayuhang Residente ng Lungsod ng Anseong ay patuloy na tumatanggap ng mga bagong miyembro. Ang mga miyembro ay regular na makakatanggap ng mga text message tungkol sa mga programa at serbisyo ng Center, pati na rin ng mga impormasyon tungkol sa lokal na lugar!
- Tagal Buong Taon
- Sino ang maaring lumahok Sinumang migranteng naninirahan sa Anseong
- Paraan ng Pagpaparehistro Personal na pumunta sa Center at punan ang Membership Registration Form
Sentro ng Suporta para sa mga Dayuhang Residente ng Anseong City — Oras ng Operasyon at Mga Direksyon Papunta sa Center
Sangay ng Naeri(Naeri Branch)
- Sangay ng Naeri Linggo-Huwebes9:00~18:00
- * Biyernes at Sabado ay Walang Pasok
- Address26, Naeri 8-gil, Daedeok-myeon, Anseong-si, Gyeonggi-do, South Korea Anseong City Foreign Residents Support Center – Naeri Branch
- Pangunahing Numero ng Telepono031-678-2269
- Russia070-4154-3531 / 010-8891-6782
Sangay ng Ayang
- Sangay ng Ayang Linggo-Huwebes9:00~18:00
- * Biyernes at Sabado ay Walang Pasok
- Address37, Ayang 2-ro, 4th Floor, Anseong-si, Gyeonggi-do, South Korea Anseong City Foreign Residents Support Center – Ayang Branch
- Pangunahing Numero sa Telepono031-677-2161/010-6720-1561
- Chinese070-4157-3071
- Russia070-4157-3073
- Vietnam070-4157-3072
- Philippines070-4157-3074
Mga Programa
Konsultasyon at Tulong para sa mga Migrante
Nagbibigay ng angkop na konsultasyon para sa iba’t ibang kumplikadong suliraning nararanasan habang namumuhay sa Korea.
Mga Detalye ng Programa
- Konsultasyon sa Batas sa Paggawa at Iba Pang Legal na Usapin (Hindi Nababayarang Sahod, Aksidente sa Trabaho, Panloloko sa Deposito sa Renta, Pananakit, Panloloko, at iba pa)
- Pamamahala ng Kaso (Krisis sa Pinansyal, Tulong Medikal, Karahasan sa Pamilya, Pang-aabuso sa Bata, at iba pa)
- Iba pa: Impormasyon at Gabay tungkol sa mga Usaping Paninirahan sa Korea at Iba’t Ibang Impormasyon para sa Pang-araw-araw na Pamumuhay
Paraan ng Pag-aapply
Mag-apply nang personal sa Center
Mga Serbisyo sa Pagsasalin at Interpretasyon
Tulong sa Pagresolba ng mga Suliranin sa Komunikasyon sa Unang Yugto ng Paninirahan sa Korea
Mga Wikang Suportado
- Russia, Chinese, Vietnam, Philippines
Mga Serbisyo ng Suporta sa Interpretasyo
- Serbisyo sa Interpretasyon at Pagsasalin para sa mga Pang-araw-araw na Pangangailangan ng mga Migrante sa Anseong
- Serbisyo sa Interpretasyon at Pagsasalin para sa mga Suliranin ng mga Migrante (Batas, Paggawa, Karapatang Pantao, at mga Usapin sa Trabaho)
- Suporta sa Interpretasyon at Pagsasalin para sa mga Organisasyon at Pampublikong Institusyong Kaugnay ng mga Migrante
Paraan sa pag-aapplay
- Para sa serbisyo ng pagsasalin, kailangang magsumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng telepono o email nang hindi bababa sa 3 araw bago ang kinakailangang petsa.
- Agarang Serbisyo
Gayunpaman, kung may mga naghihintay o may mga naunang nagpa-reserve, ipapaalam ang available na iskedyul ng appointment.
Klase o Pag-aral sa Wikang Korean para sa mga Migrante
Edukasyon sa Wikang Korean para sa mga Dayuhang Residente upang Mas Madaling Mamuhay sa Korea
Panahon ng Programa
Unang Bahagi: Marso–Hunyo / Ikalawang Bahagi: Setyembre–Nobyembre
Iskedyul at Pagpapatakbo ng Kurso
- Pangunahing Antas / Katamtamang Antas / Mataas na Antas / TOPIK
Programa ng Suporta sa Komunidad ng mga Migrante
Pagsuporta sa pagbuo ng mga komunidad ng mga migrante upang mapalaganap ang pagpapalitan ng impormasyon at mapalakas ang kanilang kakayahan at sariling kapasidad.
Mga Detalye ng Programa
- Suporta para sa mga Komunidad ng mga Migrante ayon sa Bansa
- Suporta para sa Regular na Buwanang Pagpupulong at mga Aktibidad ng Komunidad
- Suporta para sa Edukasyon tungkol sa Kulturang Koreano at mga Usapin sa Paggawa, Batas, at Kalusugan
- Pagpapaunlad ng Pamumuno ng mga Migrante
Mga Aktibidad para sa Kamalayan sa Multikulturalismo
Pagpapaunlad ng kamalayan sa iba’t ibang kultura upang makitungo sa mga migrante nang may paggalang at walang pagkiling.
- Mga Pampublikong Lektyur para sa mga Mamamayan tungkol sa Karapatang Pantao, Pagkakaiba-iba ng Kultura, at iba pa
- Pista ng Multikulturalismo: Pagkain at mga Karanasan sa Kultura mula sa Iba’t Ibang Bansa
Mga Aktibidad sa Pagsuporta para sa Paglago ng mga Bata at Kabataan mula sa Iba't Ibang Kultura
- Suportang Emosyonal at Akademiko para sa Matatag na Pagsisimula ng mga Kabataang Dayuhan
- Suporta sa Pag-aaral (Klase sa Hangul, Tulong sa mga Asignatura, Career Exploration, at iba pa)
- Suporta sa Emosyonal na Kalagayan (Mga Aktibidad na Pangkultura, Pampalakasan, at iba pa)